Noong unang panahon. Ang mundo ay mapayapa, maririnig mo lamang ay ang mga huni ng ibon na tila ba nagpapahele sa iyo at tunog ng mga dahon na napapatunood sa ihip ng hangin. Noon masarap pagmasdan ang mga magagandang likha ng Diyos dahil sa taglay nitong ganda. Ang kagubatan ay isang mahalagang biyaya ng Diyos para sa mga tao kaya ito ay pinangangalagaan nila ng mabuti. Sila ay malimit na pumutol ng puno sa kagubatan sapagkat alam nilang ito ay makakasama para sa Inang Kalikasan. Ang mga ilog ay malinaw at wala ni isang basura na makikita kaya naging paliguan na rin ito ng mga pamilya noon lalo ang mga maliliit na bata. Hindi rin uso ang polusyon kaya ang hangin noon ay sariwa pa at masarap hingahan at langhapin.
Dumako naman tayo sa ating mundo ngayon. Ito ay tuluyan ng nagbago. Nawala na ang mga puno sa kagubatan. Hindi na rin kasing linaw ng tubig noon ang mga ilog kung ikukumpara ngayon dahil napuno na ito ng mga basura galing sa mga tao. Hindi na rin sariwa ang hangin at higit sa lahat lumala na rin ang "global warming'. Hinihikayat ko kayong lahat na magtulungan para sa panunumbalik ng nasira nating paraiso. Kailangan nating makita ang mga masasamang dulot ng ating ginawa at baguhin ito. Hindi lang para sa atin kundi para na rin sa mga tao at sa susunod pang henerasyon. Matuto tayong umunawa sa mga nangyayari ngayon sa mundo para sa ikakaayos at ikakaganda nito para sa wakas ay matawag natin ulit itong paraiso.