Noong unang panahon. Ang mundo ay mapayapa, maririnig mo lamang ay ang mga huni ng ibon na tila ba nagpapahele sa iyo at tunog ng mga dahon na napapatunood sa ihip ng hangin. Noon masarap pagmasdan ang mga magagandang likha ng Diyos dahil sa taglay nitong ganda. Ang kagubatan ay isang mahalagang biyaya ng Diyos para sa mga tao kaya ito ay pinangangalagaan nila ng mabuti. Sila ay malimit na pumutol ng puno sa kagubatan sapagkat alam nilang ito ay makakasama para sa Inang Kalikasan. Ang mga ilog ay malinaw at wala ni isang basura na makikita kaya naging paliguan na rin ito ng mga pamilya noon lalo ang mga maliliit na bata. Hindi rin uso ang polusyon kaya ang hangin noon ay sariwa pa at masarap hingahan at langhapin.
Dumako naman tayo sa ating mundo ngayon. Ito ay tuluyan ng nagbago. Nawala na ang mga puno sa kagubatan. Hindi na rin kasing linaw ng tubig noon ang mga ilog kung ikukumpara ngayon dahil napuno na ito ng mga basura galing sa mga tao. Hindi na rin sariwa ang hangin at higit sa lahat lumala na rin ang "global warming'. Hinihikayat ko kayong lahat na magtulungan para sa panunumbalik ng nasira nating paraiso. Kailangan nating makita ang mga masasamang dulot ng ating ginawa at baguhin ito. Hindi lang para sa atin kundi para na rin sa mga tao at sa susunod pang henerasyon. Matuto tayong umunawa sa mga nangyayari ngayon sa mundo para sa ikakaayos at ikakaganda nito para sa wakas ay matawag natin ulit itong paraiso.
Ang Inang kalikasan ay dapat nating alagaan. Kaya naman sa ginagawa natin ay Hindi imposible na masira Ito. Tapon dito tapon doon yun ang ugaling umiiral sa mga Tao ngayon, kaya naman Kung pagmamasdan natin ang kapaligiran ay puro basura na ang mga daanan. Kung pagmamasdan natin ang Mga ilog at dagat noon Ito ay malinis at kulay puti kaya naman maraming mga bata Ang naliligo sa mga ilog at dagat, ngunit ngayon Ito ay madumi, kulay itim at Kung ano-anong basura ang lumulutang dito. Kung titignan natin ang mga kabundukan at kagubatan noon Ito ay may maraming puno, ngunit sa kasalukuyang Panahon Ito ay nakalbo at nasira dahil sa mga taong nagpuputol ng mga puno. Ang hangin ay sariwa noon, ngunit Ito ay mabaho na dahil sa mga sasakyan at pabrika. Kaya naman Kung Hindi natin titigilan ang pag sira sa kalikasan ay paano na tayo at ang mga batang ipapanganak sa susunod na henerasyon. Sana ay itigil na natin ang ating kalokohan at alagaan nalang natin ang kalikasan para maibalik sa dati nitong ganda
ReplyDeleteDapat natin alagaan ang kalikasan dahil ito ang nagbibigay ng mga pagkain at gamot na kailangan natin sa pangaraw-araw at ito rin ang nagbibigay ng miniral at likas na yaman at kailangan nati ito protectahan sa masasamang tao at pangalagaan nati ito ng mabuti at simulan natin ito sa pagtatanim ng puno,pagpulot ng mga basura at pagtapon ng mga basura sa tamang tapunan nito at mangako tayo na gagamitin natin ito sa magandang paraan at maging responsable sa mga ito para hindi na maulit Ito.
ReplyDeleteAng kalikasan ay dapat hindi sinisira ng mga tao kasi ito ang unang natirahan ng mga pangunahing tauhin.Ang kalikasan rin ang nagbibigay sa atin kagaya ng prutas ay kinakain natin.Ang mga hayop rin ay importante sa atin kasi sila ang tumuyulong sa mga magsasaka mag tanim ng mga halaman ang mga aso tumutulong sa mga polisya maghanap ng mga krimenal kasi sa kanilang mga magaling na mga ilong.Lahat ng mga hayop sa mundo ay importante kasi kung naunusan tayo ng hayop wala na tayong karne wala nang hayop makakatulong magtanim sa mg magsasaka walang tutulong sa polisya maghanap ng krimenal.Para mapatagal natin ito dapat alagaan natin ito dahil hindi natin alam kung ano meron tayo hanggang nawala na ito.Dapat himdi nagtatapon ng mga basura sa mga ilog o sa gubat hindi dapat mag baril ng mga hayop kasi baka maubusan na ito.Ang mga hayop na ito ay may nakakatulong sa tao ang mga ito ay Aso,Kabayo,kalabaw,Manok,Agila,
ReplyDeleteetc.Kaya dapat maalam natin lahat kung ano ang dapat natin gawin sa mundo bago ito mawala at hindi na natin ulit mababalik.
Ang kalikasan ay dapat pahalagahan, proteksyonan, alagaan at mahalin dahil dito natin nakukuha ang ating mga pagkain at hanapbuhay at hindi lang iyon, ang bawat may buhay dito sa mundong ito ay buhay ngayon para sa maraming rason. Isa dun ay para tayo'y magkaisa upang mabigyan ng balanse ang mundo, hayop at tao. Ang kalikasan ay unti unti nang nasisira at ang mga hayop at taniman ay unti unti na ring nawawala dahil sa ating kasakiman at pagiging baliwala. Kailangan natin na alagaan ito at pahalagahan ito dahil hindi mo alam kung babalik pa ito pag nawala na siya. Ang mundo ay hindi tatagal gaya ng ating inaakala, oo sige tatagal siya ng maraming dekada, panahon at taon pero dahil sa oras, tatanda din ang mundo at mawawala kaya kailangan ay pahalagahan at alagaan natin ito habang maaga pa para maiwasan na lumalim ang problema ng mundo at kalikasan.
ReplyDelete